Home | About Us | Contact Info. | Register Now! | Subscribe | Links | Messageboard
-->


Feature Articles

PRO-LIFE Summer Youth Camp
March 25 is Day of the Unborn!
Voters’ Forum gets candidates’ commitment to Life, Family, Country
Catholic Mass Media Awards 2006
Have you got a Love Life?
Poor mom with rich heart adopts unwanted baby
Apoy sa Dibdib ng Samar
May 15 is International Day of Families
Action Alert
Pro-Life Film-Making Contest Awarding May 20
International Day of the Unborn Child Celebrated
"I’m a Catholic, Should I Boycott The Da Vinci Code Movie?"
The Truth About Oral Contraceptives
March 25 is Day of the Unborn!
Legalizing Divorce Not a Pro-Women Move


         

ACTION ALERT

by Agoy Descallar

Kung maaalaala natin sa nakaraang isyu, ang apat (4) na house bill (HB) hinggil sa reproductive health and population management (kasama na ang two-child policy ni Lagman) ay kinonsolida para maging HB 3773 o “Responsible Parenthood and Population Management Act”. Mabilis na kumikilos ang Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) at mga kaalyado nito na papirmahan ang nasabing HB sa mga kongresista, upang sa gayo’y iwasan na nila ang mahabang delibirasyon sa plenaryo sa ikalawang pagbasa at maagap na ipasa na kaagad ito sa ikatlo at huling pagbasa. (*Tala: ang isang HB ay dumaraan sa tatlong pagbasa para sa pinal na bersyon nito bago dalhin sa Senado.) Ayon sa ilang ulat, mayroon na silang tinatayang 93 na pirma mula sa 235 kabuuang bilang ng mga kongresista. Ilan na lang ay makukuha na nila ang mayorya!


Habang sinusulat ito, ang HB 3773 ay nasa Committee on Rules para pagpasyahan kung ibabablik sa Committee on Health para patuloy na dinigin o dadalhin na sa plenaryo.

Hindi ka ba natatakot na baka maging isang batas ito? Kung ayaw mong maisabatas ito, sulatan ang mga kasapi ng Committee on Rules upang paki-usapan silang ibalilk ito sa Committee on Rules. Maaring malaman ang listahan ng kasapi ang Committee on Rules sa website ng Congress: www.congress.gov.ph o sa Pro-life: www.prolife.org.ph.

Habang abala tayo sa HB 3773, ginanap ng Committee on Population and Family Relations ng Kongreso ang pagdinig sa HB 1808 at 3422. Ang HB 1808 o “Integrated Population and Development Act of 2004” na inisponsoran nina Kong. Acosta (1st Dist., Bukidnon) at HB 3422 o “Family Life Act of 2004” ni Kong. Agbayani (N. Vizcaya) ay minumungkahi pagisahin na lamang ayon sa mga dumalong resource person.
Ang HB 1808 ay isang panukala na naglalayon na gawing pangkalahatang patakaran ng gobyerno ang sustenidong
pagpapatupad ng population control (o “management” daw) sa anyo ng pagpapalaganap ng paggamit ng contraceptives. Isasabatas nito ang mga kasinungalingan na “mahalagang salik sa pag-unlad ng bansa ang pagpapaliit ng bilang ng populasyon”, sa pamamagitan ng mga contraceptive at permanenteng isterilisasyon (ligation at vasectomy).

Ang sama nito, lalamunin ng HB 1808 ang HB 3422 na nagtataguyod ng natural family planning . kaya ang kalalabasan nito ay ang NFP ay bahagi lamang ng listahan ng pagpipigil ng pagbubuntis. Alam n’yo naman na para sa ating mga Pro-lifer, ang NFP ay isang estilo ng pamumuhay at pag-iibigan ng mag-asawa, hindi simpleng pagpipigil ng pagbubuntis o contraceptive.

Dobleng kamalasan pa nito, dahil mapanlinlang ang nilalaman ng HB 3422 may ilang pari ang nagpahayag ng suporta rito sa pag-aakalang ang HB ay magsusulong ng NFP na siyang isinusulong ng Simbahan. Talagang likas na tuso ang mga alagad ng PLCPD, pati NFP ay gagamitin nila sa kanilang layuning population control. Ang isa sanang matinong batas ay binalahura pa!

May kasabihan sa Ingles na “when it rains it pours” , ipinasok na rin ni Kong. Liza Maza (Gabriela) ang HB 4016 o “Divorce Bill”. Sa ilalim ng panukalang batas na ito ay maaring pawalang-bisa ang kasal sa batayang may “irreconcilable differences” o di-pagkakasunduan ng mag-asawa. Ito ngayon ay nasa unang pagbasa at ipapasa sa isang komite na siyang magdidinig.

Talagang yatang desidido silang tuluyang pahinain at wasakin ang pamilya na pinagmumulan ng buhay dahil ang inaatake nito ang relasyong mag-asawa na siyang pundasyon ng pamilya.
Sa batas ng Diborsyo ang pagpapakasal ay parang pagpasok sa negosyo. At gaya sa negosyo, kapag hindi ka na kuntento o kaya’y hindi tumupad sa usapan o hindi nakatugon sa inaasahan ay maaring tapusin na ang pagsasama.

Sa kabila nang katotohanan na marami nang bansa ang dumaranas ng pagtanda ng kanilang populasyon, ngunit mayroon tayong mga mambatatas na nais pa rin ulitin ang pagkakamali ng mga bansang iyon. Subalit kaiba sa mga bansang iyon, yumaman muna ang kanilang bansa bago sila tumanda, samantala tayo tatanda na ang populasuyon pero mahirap pa rin, dahil ang ugat ng kahirapan ay nananatili pa rin—di-pantay na distribusyon ng yaman at laganap na korupsyon.

 

 

 

 

 

 

Table of Contents


Editor's Note by J. Leornas
From the National Coordinator - Sr. Mary Pilar Verzosa, RGS
Conspiracy Against Life - Evangelium Vitae of Pope John Paul II
Four Anti-life Bills Transferred to Committee on Women
Blessed Luigi and Maria Beltrame Quattrochi - Pro-life Witnesses Beatified
Blessed Gianna Molla - She Gave Her Life That Her Child Might Live
Confessions of An Ex abortionist - Dr. Bernard N. Nathanson
Abortions Two Victims - Why Abortions deeply affect women
Pro-life Hero: Waiting is a special word by J. Leornas
Physician-Assisted Suicide: Misguided Compassion
Jerry Coniker Visits the Philippines
Pornography: Dumping the Garbage of Pornography
Contraceptive Imperialism and Third World Poverty by Brian Kopp
The Unknown Army ...Fr. James Reuter, SJ
A close look at In-Vitro-Fetilization or Test Tube Babies
The Other Meaning of “Reproductive Rights”
The real meaning of “Reproductive Health”, “Adolescence” and “Young People”
When a friend says ‘I AM GAY' by Bob Davies
TEEN SEXUALITY HUSH, HUSH ABOUT SEX
Why Wait To Have Sex?
Dear Pro-Life,

-- Past Issues --

 

© Pro-life Philippines