Lakbayan Para sa Buhay, Pamilya at Birheng Maria
Matagumpay na nairaos ng Pro-life Philippines Foundation at ng Daughters of Mary Immaculate ang ” Motorcade ” na itawag na ” Lakbayan Para sa Buhay, Pamilya at Birheng Maria ” noong ika- 8 ng Disyembre, 2020. Ito ay nilahukan ng 30 sasakyan na nagmula pa sa iba’t-ibang lugar tulad ng Cavite, Parañaque, Makati, Marikina, Caloocan at iba pa.
Ang gawain ay nagsimula sa isang banal na misa na ginanap sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Concepception o Manila Cathderal sa ganap na ika- 8 ng umaga na pinangunahan ni Bishop Pabillo. Tila nakisama ang panahon at hindi umulan at makulimlim ang kapaligiran kung kaya’t hindi nabilad sa init ang mga nagsilahok.
Matapos ang banal na misa ay nagsimula na ang ” motorcade”. Ito ay dumadaan sa iba’t- ibang simbahan na tinaguriang ” Marian Churches “. Ang mga ito ay ang Our Lady of Pillar o Sta. Cruz Parish, Our Lady of Mt. Carmel, New Manila, Immaculate Conception Cathderal, Lantana, Quezon City at panghuli ay sa Our Lady of the Abandoned Cathderal, Marikina.
Kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga nagsilahok sa banal na gawaing ito.