News:

2 priests, 2 pro-life activists arrested trying to save babies inside New Jersey abortion center -

Wednesday, July 17, 2019

Respect and Care for Life 2019 -

Tuesday, January 8, 2019

Over 41 million abortions estimated in 2018, making ‘choice’ world’s leading cause of death -

Thursday, January 3, 2019

Everyone must respect the basic human rights of all human beings, pope says -

Friday, December 14, 2018

Parents of ‘miracle’ micro-preemie thankful to bring home healthy girl -

Thursday, November 29, 2018

WATCH: Drag queen admits he’s ‘grooming’ children at story hour events -

Wednesday, November 28, 2018

Brazil elects pro-life president, despite pressure to legalize abortion -

Tuesday, November 6, 2018

Alfie Evans’ parents to ‘form a relationship’ with hospital, ask supporters to return home: BREAKING -

Friday, April 27, 2018

Couples told: ‘Have courage to fight divorce bill’ -

Wednesday, April 11, 2018

CBCP STATEMENT ON THE DIVORCE BILL -

Wednesday, March 14, 2018

Pastoral Statement Against Divorce -

Tuesday, February 27, 2018

Cardinal Tagle to lead walk against killings -

Tuesday, February 13, 2018

49 Abortion Clinics Closed in 2017, 77% of All Abortion Clinics Open in 1991 Have Shut Down -

Thursday, December 21, 2017

Bishop condemns killing of priest -

Wednesday, December 6, 2017

Church urges repentance over rampant killings -

Monday, November 6, 2017

Our Lady of Fatima will be icon at prayer for healing -

Monday, October 30, 2017

Church urges faithful to join ‘heal the nation’ Edsa procession -

Monday, October 16, 2017

Fr. Chito rescued from Maute captivity -

Tuesday, September 19, 2017

Cardinal Tagle’s statement on drug-related killings -

Tuesday, August 22, 2017

Pro-life Position Paper on Death Penalty -

Thursday, July 27, 2017

Hindi Kita Malilimutan

book-pagpapasya

Marahil isa sa mga kuwartong iyan, ang sanggol ko’y natutulog ng mahimbing sa bisig ng kanyang bagong ina. O kaya’y kinikilig sa tuwa habang nilalaro ng kanyang ama, isang anak na lalaki na matagal na niyang inaasam.

Inilagay ko ang aking sanggol sa bahay ampuna. Ito ang pinakamabuting paraan na aking magagawa na iapdama na mahal ko siya. Walang nakaalan na ako’y nagsilang ng sanggol maliban sa madre na tumulong sa akin ng ako’y may matinding suliranin at ang staff ng Norfil, ang pansamantalang tirahan ng mga “ dalagang ina”.

Ako’y napagsamantalahan ng isang opisyal ng military sa aming bayan. Sa Alumni Homecoming na umabot na halos madaling araw. Mga nakakalangong inumin at naparami ang aking ino na halos ako’y malasing.

Matangkad at guwapo, halos lahat ng babae ay nasa kanya ang atensyon. Ako ay nagulat ng alukin niya akong ihatid. Hindi ko sukat akalain na sa bahay nila ako dadalhin. Hindi ko na nagawang tumakbo dahil pumasok na ang sasakyan naming sa kanilang garahe. Ang baril na nakasukbit sa kanyang baywang ang siyang tumakot sa akin. Walang ibang tao sa bahay at pagkaraan akong pagsasampalin at itulak sa kanyang kama, ay kanyang naisakatuparan ang makalamang pagnanasa. Nakangisi, pinalaya niya ako at parang nanunuya na dapat daw akong magpasalamat at ako ang napili niya sa karamihan ng kababaihan na nasa selebrasyon.

Ang mga sumunod na araw ay puno ng pangamba habang aking hinihintay ang buwanang dalaw. Lumipas pa ang ilang lingo. Nabalittan ko na lang na siya ay nalipat na sa ibang lalawigan. Wala na aking mapagsabihan ng aking kinatatakutan. Hindi ito maunawaan ng aking ama. Ayaw ko ring masaktan ang aking ina. Siya man ay lubhang nagdurusa sa kamay ng aking ama.

Natapos ko na ang aking kolehiyo at nagtratrabaho sa isang daycare na pinamamahalaan ng mag-asawang Baptist. Sa katunayan, ako’y nagpasyang sumapi sa Baptists sa pagrerebelde sa aking ama na isang Katoliko. Ang asawa nung ministro ang unang nakapansin sa akin kung gaano ako kabalisa. Marahan niya akong kinukumbinsi na magtapat sa kanya at maingat na inayos ang aking pagpunta sa Maynila kung saan ang kanyang ina ay ilalagay ako sa Bahay para sa mga dalagang ina. Walang nang iba pang nakakaalam.

Sa Welcome House, isang bahay-kalinga na pinamamahalaan ng mga Good Shepherd Sisters, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatulog ako ng mahimbing sa loob ng apat na buwan. Nagbalik na ang gana kong kumain at nagsimulang kumain ng para sa dalawa- sa akin at sa aking sanggol. Pilit kong tinanggihan ang katotohana na ako ay nagdadalang-tao. Habang nakikita ko ang ilang kababaihan sa Welcome House na tanggap ang kanilang sitwasyon ay saka lamang ako naliwanagan na hindi pala ako nag-iisa. Sila man ay inabuso-iniwan ng kanilang mga kasintahan, nilok ng mga lalakeng may asawa o biktima ng kahirapan at prostitusyon. Bagamat hindi ako nagtagal sa Welcome House, ang panibagong pag-asaa at tiwala ay nanumbalik sa akin.

Sa NORFIL, kami ay sinanay sa mga gawaing- bahay, handicrafts, sesyon tungkol sa pagsisilang ng anak, pangangalaga ng bata at pagpapaunlad sa personalidad. Ang pinakagusto ko sa lahat ay ang pag-aaral ng Bibliya. At mabili na lumipas ang mga buwan nang hindi ko namamalayan.

Ika-24 ng Disyembre noon ng maramdaman ko ang matinding papanakit ng tiyan. Oo, isinilang ko ang aking Niño noong ika-25 ng Disyembre. Kulang siya sa timbang at napakamasakitin kung kaya’t kailangan ko siyang pasusuhin sa loob ng ilang lingo, kahit alam kong napakasakit an gaming paghihiwalay. Isang araw siya’y halos mangitim at akala ko’y mamamatay. Narito ang sanggol na minsan ay muntik ko nang ipalaglag at ngayon ay halos mapuyat sa pagbabantay sa kanya upang manatili lamang siyang buhay.

Dumating na ang araw ng pagpirma sa mga papeles para sa pag-ampon. Kinuha ng social worker ang sanggol sa aking bisig at dinala sa nursery, kung saan naghihintay ang kanyang bagong magulang. May nakapagsabi sa akin na ang aampon sa aking anak ay isang Pilipinong doctor at sila’y maninirahan sa Amerika. Patuloy pa rin akong lumuluha kapang naaalala ko ang aking anak. Ang tangi ko lamang konsolasyon ay tiyak na mabibigyan siya ng higt ng kanyag mga magulang – kabilang na ang tamang paggamot sa kanyang karamdamang “ congenital “.

Muli akong bumalik sa Welcome House upang mapanumbalik ko ang dating katawan at kaluluwa. Nakatatanggap ako ng counseling para sa mga bitima ng panggagahasa. Natutuhan kong patawarin ang umabuso sa akin – at hinayaan ko na lang ang Diyos ang humatol sa kanya. Inirekomenda ako ni Sr. Pilar na magtrabaho sa paaralan para sa mga espesyal na bata. Pinipilit kong matutunan ang maraming bagay sa abot ng aking makakaya at ang pangarap ko ngayon ay makapagpatayo ng ganitong uri ng espesyal na paaralan sa aking sariling bayan balang araw.

Narito ako ngayon, sugatan subalit gumaling.

Claire

“ Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan “. ( Juna 15: 13 )

 

Share via email
Leave A Comment