News:

Priest refutes senator: ‘Divorce will never be pro-family’ -

Thursday, September 19, 2019

2 priests, 2 pro-life activists arrested trying to save babies inside New Jersey abortion center -

Wednesday, July 17, 2019

Respect and Care for Life 2019 -

Tuesday, January 8, 2019

Over 41 million abortions estimated in 2018, making ‘choice’ world’s leading cause of death -

Thursday, January 3, 2019

Everyone must respect the basic human rights of all human beings, pope says -

Friday, December 14, 2018

Parents of ‘miracle’ micro-preemie thankful to bring home healthy girl -

Thursday, November 29, 2018

WATCH: Drag queen admits he’s ‘grooming’ children at story hour events -

Wednesday, November 28, 2018

Brazil elects pro-life president, despite pressure to legalize abortion -

Tuesday, November 6, 2018

Alfie Evans’ parents to ‘form a relationship’ with hospital, ask supporters to return home: BREAKING -

Friday, April 27, 2018

Couples told: ‘Have courage to fight divorce bill’ -

Wednesday, April 11, 2018

CBCP STATEMENT ON THE DIVORCE BILL -

Wednesday, March 14, 2018

Pastoral Statement Against Divorce -

Tuesday, February 27, 2018

Cardinal Tagle to lead walk against killings -

Tuesday, February 13, 2018

49 Abortion Clinics Closed in 2017, 77% of All Abortion Clinics Open in 1991 Have Shut Down -

Thursday, December 21, 2017

Bishop condemns killing of priest -

Wednesday, December 6, 2017

Church urges repentance over rampant killings -

Monday, November 6, 2017

Our Lady of Fatima will be icon at prayer for healing -

Monday, October 30, 2017

Church urges faithful to join ‘heal the nation’ Edsa procession -

Monday, October 16, 2017

Fr. Chito rescued from Maute captivity -

Tuesday, September 19, 2017

Cardinal Tagle’s statement on drug-related killings -

Tuesday, August 22, 2017

STATE OF THE SOUL OF THE NATION ADDRESS’ SPEECHES

state
CONGRESS OF THE FILIPINO FAITHFUL

  State of the Soul of the Nation Address       

Bulwagang Diego Cera,

San Sebastian College – Recoletos, Claro M. Recto Ave., Manila

23 July 2012

1)Panimula

 Sa ating mga tagapamuno, mga kabahagi, mga kaibigan, sa mga naririto na tunay na kumakatawan sa mga basehang sektor ng ating lipunan, isang mapayapa at nagaalab na umaga sa ating lahat.

Isang taon na naman ang lumipas at ngayon ay nagtitipon na naman tayo upang magbalik tanaw at suriin ang naging pamumuhay ng ating mga mamamayan at ang kabuuang estado   o kalagayan ng ating bayan.

Mr. Eric Manalang, Pro-Life Philippines President

Nais ko sanang tumalon na lamang sa susunod na taon na sa aking palagay ay medyo magiging kaayaaya sa ilan sa ating mga kababayan dahil sa taong 2013 ay eleksyon na naman. Tuwing eleksyon lang naman sadyang lumalabas ang yaman ng iilan at ipinamumudmod sa ating mga mamamayan upang suportahan o di kaya’y bilhin ang mga kandidatong magtataguyod ng interes ng mga sakim at mapagsamantala sa ating lipunan.

Madalas nating masabi na mabilis ang takbo ng panahon.  Ilang tulog na nga lang naman ay “Ber months” na at ilang pikit pa ay Pasko nang muli. Ngunit sa nagdaang dalawang taon ay naging napakakupad ang takbo ng orasan, hindi dahil ito ay naglakad sa halip na tumakbo, kundi dahil naging patulog tulog ang hakbang ng pagbabago – mga ipinangakong pagbabago, at yun ay kung humakbang man.

Sa nagdaang taon, nabuo ang salitang “noynoying” upang bigyang representasyon kung paano umagos ang kalakaran sa pamamahala – ibig sabihin ay wala, bumara at walang naging daloy. Ang “tuwid na daan” magpahanggang sa ngayon ay bigkasin lamang at walang man lang nais na magturo kung saan ang patutunguhan.

Naging napakabigat nang nagdaang taon. Dumami ang walang trabaho. Lumaki ang bahagdan ng mamamayang halos di na kumakain. Nagkalat ang mga kakabayan nating walang tirahan at sa bangketa at kariton na lang naninirahan. Naging patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang sweldo naman ay nanatili at katiting lamang ang naging pagtaas. Patuloy ang pagdami ng krimen sa mga lansangan at ang nakalulungkot pa, pati ang loob ng inyong bahay ay di na rin ligtas sa mga mapagsamantala.

Lubos na nakakabahala rin ang pagdami ng mga napapaslang na mga mamamahayag at mga  taong ang nais lamang ay ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng ating mga kapatid na katutubo at maging ang karapatan ng lahat sa isang maaayos at kaayaayang kalikasan na siya rin namang daluyan ng biyaya para sa ikabubuhay ng ating mga mamamayan.

Naging katuwa tuwa ang mga naging tugon ng pamahalaan sa bawat kahirapan at kakulangan na idinulog ng ating mga maralitang kababayan particular na ang mga kababaihan. Kung ikaw ay may lagnat merong contraceptive pills iyang katapat. Kung ikaw ay gutom may IUD na puedeng ipasak sa iyong uterus at baka sakali ay yon na lang ang tunawain ng iyong kumukulong sikmura.  Kung ikaw ay giniginaw ng dahil sa kawalan ng maayos na silungan o di kayay di ka man lang nasayaran ng mumurahing mainit na noodles, aba’y magpainit ka na lang kung saan man, marami namang condoms sa health centers.

At sa dahilang ang mga maralita daw ay walang ibang alam gawin kundi magparami, itutok na lamang ang gastusin ng pamahalaan sa mga hakbangin upang wag na silang mag-anak at upang wag ng madagdagan pa ang kanilang kahirapan.

Pauntiin ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagkitil sa kanilang hanay at di sa pamamagitan ng pag angat sa kanilang kabuhayan.

Mahaba ang listahan ng mga initiatibo ng pamahalaang Aquino upang tugisin ang kabanalan ng buhay at pagtataguyod ng pamilya. Isa na riyan ang 4Ps o ang tinatawag naming Pangkapon sa Pamilyang Pilipino Program na kapartner ng DOH Administrative Order No. 2012-0009 – National Strategy Towards Reducing Unmet Need for Modern Family Planning as a Means to Achieving MDGs on Maternal Health.  Di bale nang mamatay ang kababaihan sa breast cancer wag lang syang magbuntis. Di bale nang manigas ang kanyang mga ugat, wag lang syang magbuntis, di bale nang magabort sya taon taon basta wag lang tumuloy ang dala dala niyang sanggol.

Di na inalintana ng Pangulong Nonoy na anumang programa na di naaayon sa pananampalataya ng higit ng nakararaming Pilipino ay pagyurak sa karapatan ng tao sa malayang pagsunod sa kaniyang paniniwala at relihiyon.

Ito ang aming saloobin at paniniwala na kung kaya’t mababaw at mahina ang mga programa ng gobyerno para sa ikauunlad ng mga nagdurusang Pilipino ay sa kadahilanang mahina at matamlay ang pananampalataya ng kanyang pamahalaan sa Diyos na pinagmumulan ng lahat ng inspirasyon at biyaya.

Kasihan nawa sya ng Diyos.

***********************************************************************************************************************

ANG KALAGAYAN NG MGA MAMAMAHAYAG SA ILALIM NI PNOY

Ms. Rowena Paraan, NUJP

Marami sa ibang bansa ang nagsasabing ang Philippine press ang pinakamalaya sa Asya. Subalit ano ang tunay na kalagayan ng mga mamamahayag sa Pilipinas? Tingnan natin ang istatistika:

  • Magmula 1986 (kung kalian bumalik umano ang demokrasya sa Pilipinas), umaabot sa 153 ang mamamahayag na pinaslang. Sa ilalim ni Pangulong Benigno Aquino, 13 mamamahayag na ang pinaslang.
  • Sa 153, mayroon lamang 10 conviction o mga kaso kung saan may naipakulong. Subalit sa 10 ito, zero ang mastermind o taong nag-utos o nag-finance ng pagpatay.

Ang masaker ng 58 tao sa Sitio Masalay, Barangay Salman, bayan ng Ampatuan sa Maguindanao ang pinakabrutal na insidente ng pagpatay sa kasaysaysan na may kinalaman sa eleksyon. Dahil 32 sa 58 ay mga myembro ng media na nagko-cover lamang, ito rin ang idineklara na pinakamalalang kaso ng media killing, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ano katayuan ngayon ng kaso ng Ampatuan massacre? Tingnan natin ang istatistika:

  • 196 ang akusado, kabilang dito 26 na myembro ng makapangyarihang Ampatuan warlord clan. Sa 6 Ampatuang nakakulong, 2 pa lamang ang arraigned o nabasahan ng sakdal (Andal Ampatuan Sr at Jr.).
  • Wala pang kalahati sa mga akusado ang charged (72), wala pa sa 2/3 ang naaaresto at nakukulong (100).
  • Inabot ng 560 araw mula ng masaker bago mai-freeze ang assets o mga ari-arian ng mga Ampatuan. At ayon sa huling mga ulat, marami sa mga bahay nila ay naibenta na.
  • At sya nga pala, 89 ang bilang ng mga batang inulila ng masaker, sa hanay pa lamang ng mga biktimang mamamahayag.

Hindi lang kaso ng Ampatuan masaker ang nakakalungkot ang nangyayari. Halimbawa ang kaso ng pagsugod at pag-atake ng gobernador ng Kalinga sa broadcaster na si Jerome Tabanganay sa loob mismo ng announcer’s booth. Ito ay narecord sa video at napanood sa Internet ng live pero sabi ng Department of Justice, self-defense ang ginawa ng gobernador and ibinasura ang criminal case ng isinampa ni Jerome.

Samantala, maraming ipinangako si Pangulong Aquino nang siya ay mangampanya sa pagkapresidente. Una na rito ang pagtataguyod sa tinatawag na Freedom of Information Act, isang panukala na kung maisasabatas ay makakatulong nang malaki para maisakatuparan ang “Daang Matuwid” – isang pamamahalang may katapatan (honesty/integrity), pananagutan (accountability), at pagiging bukas (transparent) sa mamamayan.  Subalit hanggang ngayon, nakabitin pa rin ang FOI. Alam nang lahat na anuman ang gustuhin ng president na madaliin ng Konggreso, kayang-kaya ito. Masdan ang impeachment nila Merceditas Guitierez at Chief Justice Renato Corona, gayundin ang pagsasabatas ng sin taxes na ipinasa sa first hanggang third reading – sa loob lamang ng isang araw.  Kung hindi umuusad ang FOI, ibig lamang sabihin ay hindi desidido ang presidente na ito ay maging batas.

Ang patuloy na pagpatay sa mga myembro ng media, walang pinatutunguhang imbestigasyon at prosekusyon sa mga naunang kaso at ang pagkabigo na ipasa ang Freedom of Information Act ay pawang nagpapakita na wala sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang mga karapatan sa malayang pamamahayag at malayang ring pagkalap ng inpormasyon.

Ang mga nasabi ay di kawalan lamang ng mga mamamahayag kungdi ng publiko at ng mamamayang Pilipino na kinikilala ng Pangulong Noynoy bilang kanyang mga Boss.

*********************************************************************************************************************

Ang Kabataang Pilipino

Mr. Kiboy Tabada, UP For Life

Pag-asa ng bayan.

Kaakibat niyan ay ang malaking responsibilidad ng pamahalaan na suportahan ang kabataan sa kanyang pagharap sa mga suliraning nagtatangkang pumigil sa kanyang matuwid na pag-unlad.

Kung tunay ngang paninindigan ng pamahalaan ang payo ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, nararapat lamang na asahan natin ang malaking suporta at mariing pag-isipan ang mga paraan upang matulungan ang kabataan.

Ang pangangailangan ng kabataan, higit sa lahat, ay ang paghubog sa tamang pagpapahalaga at pagsasabuhay ng mga birtud. Sa paglinang sa mga kabataan sa tamang pamumuhay dapat umiinog ang anumang polisiya na ipapatupad ng pamahalaan. Anumang mga nagtatangkang sumagabal sa adhikaing ito ay dapat harapin ng buong sigasig.

Kabilang sa mga sagabal sa paglinang sa kabataan sa tamang pamumuhay ay bahagi ng mga isyung kinakaharap ng ating bayan. Ilan sa mga malalaking isyu ay ang (1) HIV cases at teenage pregnancy, (2) kawalan ng gabay ng magulang ng mga anak ng OFWs, (3) ang mga children in conflict with the law, at (4) ang pagbawas sa budget para sa edukasyon.

Una, ang dahan-dahang pag-akyat ng HIV cases at teenage pregnancy ay naghuhudyat ng kakulangan sa nauukol na paggabay ukol sa usaping sekswalidad ng mga kabataan. Ang isinusulong ngayon ng ibang grupo ay ang RH Bill bilang solusyon sa problemang ito. Subalit, ang tunay na solusyon ay ang pagpapaigting ng relasyon ng mga pamilya bilang nararapat na yunit ng lipunan upang gabayan ang mga kabataan. Nakalulungkot ngunit sa halip na paigtingin ang pamilya, sinisikap ng RH Bill na mapagwatakwatak pa ito. Lantad iyan sa probisyong naglalayong magturo ng sex education sa paaralan sa halip na ipaubaya sa mga magulang ang sensitibong usapin na iyan at tulungan ng pamahalaan ang mga magulang na magampanan ang responsibilidad na iyan.

Bukod pa riyan, hindi pagsasabuhay ng birtud ang iminumungkahi ng RH Bill. Sa katunayan, sa oras na tanggapin natin ang contraceptive mentality ay itinapon na natin ang anumang dedikasyon sa pagpapaunlad sa tamang pagpapahalaga at paglilinang sa birtud. Ito ay naghuhudyat ng pagsuko sa kabataan. Ang mensaheng ipinapadala nito ay ang pagsuko sa kakayahan ng mga kabataan na matuto ng pagkontrol sa sarili, lalo na sa mga udyok ng laman.

Sa mga kadahilanang iyan, masasabi nating ang tunay na pangangailangan ng kabataan ngayon ukol sa usaping HIV at teenage pregnancy ay ang pagpapatibay sa institusyon ng pamilya.

Kaugnay niyan ay ang isang malaking krisis na kaagapay ng patuloy na pagunlad ng ating OFW community. Habang dumadami ang mga Pilipinong napipilitang magtrabaho sa ibang bansa, dumadami din naman ang mga kabataang naiiwan dito sa Pilipinas nang wala ang kanilang mga magulang.

Tulad na nga ng nabanggit, hindi matatawaran ang kahalagahan ng pamilya sa paghubog sa kabataan ukol sa tamang pagpapahalaga at paglinang sa mga birtud.

Ito ay isang usapin na hanggang maaari ay hindi pinag-uusapan dahil na rin sa mga benepisyong pangekonomiya na dala ng pagdami ng mga OFWs.

Samantalang tunay ngang bayani ang mga OFWs, hindi pa rin natin dapat ikaila na ang kasaganaang makakamtan nila at ng Pilipinas ay walang tumbas sa sugal na nagaganap sa tuwing naiiwan ang mga kabataan ng wala ang kanilang mga magulang sa kritikal na panahon ng kanilang pagunlad. Iminumungkahi ang pagbuo ng mga polisiyang direktang aagapay sa mga kabataang ngayon ay naiwan ng kanilang mga magulang. Ito ay nangangailangan ng maigting na pag-aaral at pagpapalawig ng responsibilidad ng pamahalaan.

Nararapat ring pagtuunan ng pansin ang tumataas na kaso ng mga kabataang nasasangkot sa krimen. Ito ay isang napakalalang simtomas ng kakulangan ng nauukol na gabay sa mga kabataan. Ito ay malaking problema na, ngunit ito ay lalo pang napapalala dahilan sa pagpapakulong sa mga kabataang nasangkot sa krimen kasama ng mga matatandang nasangkot sa krimen.

Isang kongkretong sagabal sa paglutas ng problema ng “Children In Conflict with the Law” ay ang pagpapababa ng age of criminal responsibility mula 15 años tungo sa 12 años. Ang ating mga kulungan, sa kasamaang palad, ay hindi nararapat na lugar kung saan ang mga kabataan ay maaaring matuto ng tamang pagpapahalaga upang sila ay tunay na mailayo sa daan ng kapalaluan o krimen. Sa halip, malaking malaki ang posibilidad na sa loob ng pangmatandang kulungan ay lalo lang nilang masagap ang kultura ng krimen bunsod ng sapilitang pakikihalubilo sa mga tunay na kriminal. Muli, dapat alalahanin na ang panahon ng kabataan ay isang panahon ng paglinang at pagpapaunlad.

Kung sila man ay nagkamali, ang parusa ay dapat naaayon sa mithiing sila ay malinang hindi lalong mabaon sa masamang kultura ng krimen. Kaagapay nitong suliraning ito ay ang napakahalagang hamon ng edukasyon. Hindi tayo kailanman

magkakamali sa pag-i-invest sa edukasyon. Subalit, hindi basta-bastang edukasyon ang dapat i-alay ng pamahalaan sa kabataan. Ito ay dapat dekalidad na edukasyong nakaayon sa tunay na pagpapaunlad ng kagalingan ng mga kabataan upang kami ay makapagsilbi sa bayan, upang aming magampanan ang aming responsibilidad bilang pag-asa ng bayan.

Kung kaya naman hinihingi namin ang pagpapataas ng budget na nakalaan para sa edukasyon, lalo na sa tertiary level. Hindi na dapat kaila na isa sa mga pinakamahahalagang responsibilidad ng pamahalaan ang edukasyon.

Sa panahon ngayon, ang pinakamainam na kapital ay ang kaalaman. Sa napakabilis na pagbugso ng pagbabago ng mundo, ang siyang maalam ang siyang makakasabay. Kung kaya naman kung ang Pilipinas ay umaasang makasasabay sa iba’t ibang larangan sa mundo, nararapat lamang na pagtuunan ng di matatawarang pansin ang edukasyon ng kabataan.

Bukod pa riyan, liban sa pamilya, ang paaralan ang isa pang institusyon kung saan ang tamang pagpapahalaga at birtud ay nalilinang at napapagtibay. Sa gayon, nararapat lamang na maglaan ng mas mataas na badyet ang pamahalaan para sa edukasyon. Iyan ang mga isyu na kinakaharap naming mga kabataan ngayon. Iyan ang mga responsibilidad ng pamahalaan na dapat tupdin para sa higit na ikabubuti ng sambayanang Pilipinas.

Nawa’y ang boses ng kabataan ay manatiling pinahahalagahan sa ating bansa. Nawa’y hindi tayo makaligta na tunay ngang ang kinabukasan ay nakasalalay sa kabataan. Para sa mas masaganang bayan, para sa mas mabuting Pilipinas.    

******************************************************************************************************************

Binigyan nyo kami ng bahay, “HINDI ng BUHAY” ang kailangan naming ay “Bahay na may Buhay” (Pampublikong Pabahay)

Wenifrida Esguerra (Leader,Cabuyao, Laguna)

Kaming mga inilipat ng pamahalaan ay nagkaroon ng mga problema sa kadahilanang walang kahandaan sa bawat relocation site. Ang mga basic services ay di agad naibibigay kung di pa magra-rally ang mga tao ay di agad mabibigyan ng solusyon. Nakakaranas ang ibang site ng mahal na singil sa kuryente dahil sa temporary connections.

Walang disaster risk reduction adaptation plan sa mga relocation sites. Ang nangyayari inililikas ang mga nasa DANGER ZONE to DEAD ZONE dahil sa kakulangan ng tamang paghahanda at di pinagplanuhan ng mabuti bago ilikas ang mga tao kaya higit na nakakaranas ng kahirapan.

Kakulangan sa mga livelihood program or activities inaasa na lamang sa mganon-governement organizations. Dapat ipatupad ang in city relocation para di madislocate ang mga tao sa hanapbuhay. Tama may mga social services pero bago madala sa site patay na ang mga tao kaya natutuong mag social enterprise.

Ang pangako sa amin kaya kami inilikas ay upang pagandahin ang riles…pero nasaan ang riles? Maganda na ba? Nag improve ba? Nasan ang pangako na pangkabuhayan? Nasan ang sinasabi nilang libreng sakay para sa mga nagtatrabaho papunta at pabalik sa kanilang pinanggalingan?

Ang sagot wala pa rin! Ang mga informal settlers ay di pa nabibigyan ng mga lugar na paglilipatan. Ayun! Tinatangal na walang pasubali upang patayuan ng mga malalaking gusali ng mga mayayamang kapitalista. Natulungan ba ang mga mahihirap?…o lalo lang naghirap?… Para makalimutan ang mga problema, kaming mga social engineers ay higit na nag-aral upang makapagbigay ng mga solusyon sa mga problema ng ating pamahalaan.

Sabi ng mga nakaraang pamahalaan EYE SORE sa mga mata ang mga kagaya namin pero ang di nila alam kami din ang solusyon sa mga problema. Binigyan nyo kami ng bahay, “HINDI ng BUHAY” ang kailangan naming ay “Bahay na may Buhay”. Mas madali kaming makaintindi pero kulang kayo sa pag intindi sa amin. Kami na mga social engineers ng community ay tutulung upang maiangat ang mga antas ng kalidad ng aming pagkatao at pamumuhay na may dignidad sa pagtutulungan ng mamamayan at ng pamahalaan.

*********************************************************************************************************************************

Sa kadahilanang dumi sila sa lansangan (Pamilyang Nakatira sa Lansangan)

Merlinda Santos (KARITON Empowerment Center)

Marahil nakikita natin ang mga pamilyang nakatira sa lansangan sa pang araw-araw nating pamumuhay. Minsan nga ay pinandidirihan pa natin sila o kinakatakutan. Makikita rin natin sila na tulaktulak ang kanilang kariton na nagsisilbing kanilang tahanan at gamit sa kanilang pangangalakal na siya nilang kinabubuhay. Minsan din sa harap ng ating mga tahanan sila’y ating nakikita at madalas pa natin silang itinataboy. Kadalasan natin silang nakikita sa mga bangketa natutulog latag ang karton na sa kanila’y nagsisilbing higaan.

Ang karamihan sa kanila ay matatagpuan kung hindi sa bangketa, ay sa mga abandonadong gusali, sa ilalim ng tulay o sa mga bakanteng lote. Ang kinabubuhay ng nakakarami sa mga pamilyang ito ay ang pangangalakal, marahil hindi natin alintana ito ay kontribusyon mula sa kanila sa kabawasan ng basura sa kalakhang maynila. Ang kanilang kita ay kulang pa upang maging sapat sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Mapalad na kung sila ay makakain ng dalawang beses sa isang araw. Isa sila sa masasabi nating pinakamahihirap sa ating lipunan na nangangailangan ng ating pang-unawa at pagkalinga mula sa kanilang kapwa at lalo na mula sa Pamahalaan na itinuturing ang sambayanan na kanilang “boss.”

Ang mga Pamilyang nakatira sa Lansangan ay mula sa dekadang hindi pagtugon ng Pamahalaan sa ugat ng problema ng Kahirapan sa ating Bansa. At mula dito umusbong ang sector ng mga Pamilyang Nakatira sa Lansangan at patuloy na dumadami. Ang pagdami ng kanilang bilang ay nagsasaad ng malaking problema sa kawalan ng tahanan na dapat bigyan pansin at tugunan ng ating pamahalaan.

Masasabi ba nating tumataas ang antas ng ating ekonomiya kung patuloy na dumadami ang mga pamilyang nakatira sa lansangan? Ang mga Pamilyang nakatira sa Lansangan ay Mamamayan rin ng ating Bansa, marapat lang na sila’y bigyan na patas na pagtingin sa kanilang Karapatan at makaranas ng mga programa ng pamahalaan gaya ng sa edukasyon, pabahay, pangkabuhayan at iba pa na makakatulong sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Subalit ang isang dokumentong papel na magpapatunay na sila nga’y mamamayan ng Pilipinas ay pinagkakait pa sa kanila. Marami sa mga pamilyang ito ay taon na ang bibilangin na sila ay nakatira sa lansangan. Dito na sila nagkapamilya hangang sa nagka-apo. Subalit hindi nila naparehistro ang kanilang mga anak o kaya sila mismo ay hindi rin naka-rehistro.

Sa kadahilanan na ang iba sa kanila’y pinanganak sa lansangan o sa kanilang kariton. Ang mapalad sa kanila ay nakapunta sa pampublikong paanakan o Lying-in center at sa pribadong midwife, subalit ang kanilang bayad ay di pa rin sapat, at dahil dito ginagawang kolateral ang kanilang birth certificate.

Ang kanilang birth certificate ang isa sa mga dahilan kaya din di makapasok sa pampublikong eskwelahan ang kanilang mga anak. Dahilan din ito kaya hindi sila makakuha ng mga iba pang pampublikong dokumento na magpapatunay ng kanilang pagkakakilanlan. Ito rin ang dahilan kung kaya di rin sila nakarehistro upang makaboto. Di kaya dahilan din ito kaya di sila pinapansin ng mga namumuno sa pamahalaan dahil di naman sila mga botante? Masakit man isipin subalit ito ang katotohanan.

Ang bahay ay ang siyang daan para makapaloob ka sa mga census, daan para matugunan ng Pamahalaan ang pangangailangan ng mamamayan at makatanggap ng mga programa. Subalit paano sila mapapasama? Kahit ang barangay mismo na ilang taon na silang nananatili at dahil wala silang bahay doon ay di sila kinikilala. Paano sila maabot ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na ipinagmamalaki ng pamahalaan na tutulong sa mga pinakamahihirap sa ating lipunan. Kung ang mga pinuno ng barangay ay di sila kinikilala, paano pa kaya ang Lokal na Pamahalaan?

Ang programang “Rescue” ng DSWD na siya sanang pag-asa ng mga Pamilyang nakatira sa Lansangan ay siyang naging dahilan upang sirain ang kanilang buhay, pag-aari at pagtingin sa sarili. Ang programang ito ay walang kahit anumang naitutulong sa kanila, lalo lang dinadagdagan ang kanilang paghihirap na dinadanas. Kung ang “Rescue” ay ipapasa sa lokal na pamahalaan at hindi nila kinikilala ang mga pamilyang nakatira sa kanilang nasasakupan paano nila maisasaayos ang pagpapatupad ng naturang programa? Na sana sa lokal na lebel pa lang ay natutugunanan na ang kanilang suliranin, subalit kapag hindi sila lehitimong residente ay ipapasa sila sa ibang ahensya. Ang mga biktima na kahintulad ng ganitong programa na naganap noong Julyo 23, 2011 sa Lungsod Quezon na hanggang ngayon ay di pa rin nila nakukuha ang kanilang kagamitan na kinumpiska ng mga kawani ng gobyerno. Ito ang mukha ng kahirapan ng mga Pamilyang nakatira sa Lansangan.

Sa aking pagbisita sa mga Pamilyang Nakatira sa Lansangan, isang Ale ang lumapit sa akin. Ang sabi nya ay ganito: Kuya, bakit ang gobyerno kapag eleksyon ang babait, nagbibigay sila ng pagkain at nagpapakuha pa ng litrato sa amin. Ngayon naman, bakit kami hinuhuli? Anong kasalanan namin? diba sabi ni Pnoy kami ang boss nya? Bakit kami ginaganito? Ang wang-wang na tunog ay kinakatakutan ng mga Pamilyang nakatira sa Lansangan ito ang hudyat ng panghuhuli sa kanila sa kadahilanang wala silang matirhan.

Sa kadahilanang dumi sila sa lansangan. Sa kadahilanang wala silang dokumentong papel na magpapatunay na sila’y Pilipino. Pinakamahirap na nga sila inaagrabyado pa. Binibigyan nyo ba sila ng pagkakataon para makaahon sa kanilang kinanalalagyan? Bakit patuloy silang dumadami? Sila’y ating kababayan at tunay na mamamayang Pilipino wag nyo naman silang balewalain. Wag na po natin silang katakutan o pandirihan. Bagkus, ay iangat natin sila dahil sila ay kapwa natin Pilipino. Kaya’t kapag napadaan ka sa kanila at hinihingi ang lalagyan ng iyong inumin ay ibigay mo na ng may ngiti. Kapag nakita mo silang napadaan sa harap ng inyong tahanan na pawis na pawis na tulak ang kanilang kariton, maaari bang ibigay mo na lang ang mga diyaryo’t bote na nakaimbak sa inyo. Ito’y makakatulong sa kanila ng malaki.

Ang mga Pamilyang nakatira sa Lansangan ay kapwa nating Pilipino. Nawa’y ibigay natin ang nararapat na karapatan para sa kanila. Nawa’y ang mga programang nakalaan sa kanila ay nasa matuwid na landas na makatotohanang pagsagip sa kanila sa kahirapan. Kasama ng mga Pamilyang nakatira sa lansangan, kami ay nanawagan sa isang programang makakatugon sa kanilang tunay na kalagayan, makatao, may pag-uusap at nagbibigay kakayanan. Hindi kultura ng wang wang na mapagmataas at mapagkunwaring pagsagip at pagkalinga.

*********************************************************************************************************************

“Kalusugan ay Higit pa sa Anumang Yaman” (Sektor ng Kalusugan)

Marcelina Pangaliman, Bgy. Health Worker, Cabuyao, Laguna

Sinasabi na ang “Kalusugan ay Higit pa sa Anumang Yaman”.

Malaking aspeto ang kalusugan sa kaunlaran ng bayan, pamayanan at bansa. Subalit, paano? Sa sama-samang lakas at pagkaka-isa ng mga nasa Health Sector ay bakit nandoon pa rin ang problema tungkol sa nasabing paksa, mga problema katulad ng:

Gamot – kulang po ang supply ng gamot lalo na para sa mahihirap, so kinakailangan na masubaybayan ang mga ito.

 Budget – kapos at ubos na ang budget para sa supply ay wala pang kasunod

 Kagamitan – kulang ng incubator sa pampublikong ospital, ambulansya para sa patient patrol 24/7

Pasibilidad:

 Health Center – health station ay kailangan na marating ng mga pasyente bago mag-isang oras.

Ospital – kailangan na sapat ang akomodasyon at maging maayos at maasikaso ang pagtanggap sa mga pasyente, laboratory, x-ray dep’t., incubator at ultrasound apparatus.

Botika ng Barangay- ito sana ay magkaroon sa nga lokal na barangay upang makatulong sa mga tao lalo sa sa mahihirap, isangkumpleto at mababang presyo ng gamot.

Pagpaptupad sa mga benepisyo:

Health Workers – R.A. – 7883 karamihan po sa mga benepisyo nito ay hindi namin nararamdaman, lalo na sa mga BHW at BHV’s.

Benefits – hazard pay, incentive-regularities, scholarship at iba pa.

Budget – hindi po sapat o kulang ang aming tinatanggap na allowance.(stipend allowance) Complete emergency kit para sa first aid treatment.

Senior Citizen – ang mga matatanda ay bigyan nila ng dignidad, respeto at maramdaman nila na hindi sila pabigat sa buhay. Magkaroon sila ng health insurance, at karagdagang financial support monthly.

Phil-Health – paano ba ang tamang sistema para maging myembro nito dahil hindi po nila tinatanggap bilang myembro ang mga nasa relokasyon dahil karamihan ay may bahay na bato. Tamang impormasyon tungkol dito.Suportahan ng LGU ang libreng Philhealth para sa karapat-dapat na pamilya at ito ay bayad.

*******************************************************************************************************************

Para sa mga OFW, kay PNoy, wala nang maaasahan. Kailangan nang lumaban (Overseas Filipino Workers)

Conney Regalado (MIGRANTE INTERNATIONAL)

Sa loob ng dalawang taon, pinatunayan ni PNoy na hindi siya katulad ng mga nauna sa kanya. Mas masahol siya.

Para sa Migrante International, ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit walang pagbabago, at sa halip, sumahol pa ang kalagayan ng OFW at pamilya sa ilalim ng kanyang panunungkulan:

• Sa kabila ng kanyang mga pangako at pagpopostura, walang ginawa si PNoy para pigilan ang pwersahang migrasyon. Sa halip, lalo pa niyang pinaigting ang patakarang labor export sa pamamagitan ng mas agresibong pagbebenta ng murang lakas paggawa (cheap labor) ng mga OFW sa mga dayuhan.

• Pagsapit ng Oktubre 2011, dumami pa ng 1.35 milyon ang mga Pilipinong napilitang mangibang-bayan dahil sa kawalan ng trabaho, mababang pasahod at kawalan ng serbisyong panlipunan sa bansa. Mas mataas ito ng 5.3% kaysa sa 1.281 milyong Pilipinong nangibang-bansa noong Oktubre 2010.

• Patuloy na pababa ang sahod ng mg manggagawa sa bansa. Sa pagtatapos ng 2011, ang P426 minimum wage sa National Capital Region ay 43% lang ng P993 family living wage (FLW).

• Ang karaniwang pamilya sa NCR ay nabubuhay na lamang sa P22 hanggang P37 kada araw.

• Mayroon nang tinatayang 12-15 milyong Pilipino sa labas ng bansa sa mahigit-kumulang 239 bansa sa Asya, Australia, North America, South America, Africa at Europe. Tiyak na lalaki pa ito dahil sa patuloy na pagpapatupad ni PNoy ng mga patakarang tulad ng K+12 na pangunahing layunin ang magsanay ng murang lakas-paggawa para sa labor export.

• Sa Pilipinas, may 30-40% na ng kabuuang 99 milyong populasyon ang umaasa sa remittance (padala ng OFW).

• Nananatiling pataas ang halaga ng remittance mula 2010 sa kabila ng pandaigdigang krisis. Gayunpaman, pababa ang tantos ng pagtaas (growth rate) ng remittance mula nang umupo si PNoy.

• Kaya naman gayon na lang ang desperasyon ni Pnoy na magpadala ng mas maraming OFW sa ibang bansa sa pamamagitan ng patakarang labor export. Dahil pinakamasahol ang krisis pang-ekonomiya sa Pilipinas, at walang makabuluhang mga repormang ipinapatupad ang gobyerno, walang ibang rekurso kundi ibayong ikalakal mga OFW.

• Habang halos walang binibigay na serbisyo at proteksyon ang mga ahensya ng gobyerno para sa kanila.

• Apat (4) na kababayan natin ang binitay sa loob lang ng dalawang taon. May 123 OFW sa death row sa ibang bansa. Mahigit 7,000 ang nakakulong sa ibayong-dagat. Libu-libo ang stranded at sawing ma-repatriate ng gobyerno.

• Tumaas mula P18,000 tungong mahigit P26,000 ang binabayaran ng bawat OFW na pinoproseso ng POEA. Kung 4,500 OFW ang umaalis ng bansa kada araw, mahigit P118 milyon kada araw o P43.14 bilyon kada taon ang nakokotong ng gobyerno mula sa mga OFW!

• Mas lumalabas ngayon na ang patakarang labor export ay isang MALAKING NEGOSYO para sa gobyerno na walang ibang hinuhuthutan at kinokotongan kundi ang mga OFW mismo sa pamamagitan ng mga dagdag-bayarin at singilin.

 Walang duda, si PNoy ang pinakamasugid na tagabenta ng mga OFW sa mga dayuhan. Ang kaniyang mga pangako at pagpopostura – pawang kasinungalingan. Para sa mga OFW, kay PNoy, wala namang nagbago. Para sa mga OFW, kay PNoy, wala nang maaasahan. Kailangan nang lumaban.

******************************************************************************************************************

Tuloy ang laban para sa ganap na pamamahagi ng Hasyenda Luisita at Tunay na Reporma sa Lupa (Magsasaka at Mangagawa sa Hacienda Luisita)

ULWU- AMBALA

institusyon at mga indibidwal na nag-ambag ng kanilang serbisyo, panahon at naging kaisa sa panindigan na ipamahagi na ang Hasyenda Luisita.

Ang inaning tagumpay ng mga manggagawang bukid sa larangang pinaghaharian ng iilang makapangyarihang grupo, pamilya at indibidwal sa ating lipunan ay resulta ng kanilang sama-samang pagkilos.  Pinatunayan ng mahigit limang dekadang karanasan na tanging sa kolektibo at militanteng landas ng pakikibaka maipagtatagumpayan ang laban.

Ngunit hindi matatapos sa desisyon ng Korte Suprema ang laban ng mga manggagawang bukid ng Hasyenda Luisita.  Sa katuyan hindi pa mapipilitang magdesisiyon ang mataas na hukuman pabor sa mga manggagawang bukid kundi sila naglunsad ng mga serye ng protesta na umani ng positibong tugon at suporta sa mga mamamayan.  Ito ay sa kabila ng mga maniobra ng pamilya Cojuangco-Aquino sa katauhan ng hasyenderong pangulong NoyNoy Aquino.

Simula nang lumabas ang Abril 24 na desisyon ng Korte Suprema na pinal na nitong binibigay ang mahigit 4915 hektaryang lupain sa mga manggagawang bukid; marami ang nais na umani ng kredito sa napagtagumpayan ng mga manggagawang bukid.  Malinaw na pakana ito ng mga Cojuangco-Aquino para agawin ang inisyatiba maliitin ang militanteng pagkilos nila.  Kinasabwat nila ang ilang mga grupo at indibidwal na kontra sa kolektibong pamamahagi ng lupain ng Hasyenda Luisita gayundin ang mga sagad-sagaring mga alipores ng mga ito sa hanay ng mga opisyal ng asukarera para igigiit ang pagpapanatili ng iskemang Stock Distribution Option.

Gamit ang mga maka-Aquino mass media, patuloy itong nagpapakalat ng mga mali at mapalinlang na mga pahayag hindi lamang ang president gayundin ang kanyang mga tagapagsalita, abugado at mga kamag-anak.  Pinalalabas ng mga ito na hati ang mga manggagawang bukid sa kabila na malinaw kung sinong grupo na nagdala ng laban ng mga manggagawang bukid at iyon ay ang AMBALA.

Dagdag pa dito; imbis na magpakita ng marubdob na pagsuporta sa mga manggagawang bukid; ang Department of Agrarian Reform ay mas una pang nag-alala sa kompensasyon ng mga Cojuangco-Aquino.  Para itong sirang plakang paulit-ulit ang linya ng mga Cojuangco-Aquino para sa compensasyon na umaabot sa P10B.  Ang kanilang pahayag na aabutin ng isang taon ang pamamahagi ng hasyenda Luisita ay malinaw na pakana nila kasabwat ang Pangulong Aquino para gumawa pa ng mga hakbanging magpapabagal sa distribusyonng mga lupa.

Naglabas na din ng interes ang DSWD na buhusan ng pundo ang Hasyenda Luisita ng maanomalyangprograma ng Conditional Cash Transfer upang gawing “pr” ang mga tagumpay ng AMBALA at pabanguhin ang rehimeng Aquino sa publiko para itago ang imoral nitong paghahabol sa kompensasyon.  Habang nangyayari ang mga ito, ang Rizal Commercial Banking Corporation na nagsampa ng dalawang gawa-gawang kaso laban sa mga manggagawang bukid na naggiit ng kanilang karapatan sa 500 ektaryang maanomalyang ibinigay ng Hasyenda Luisita Inc. kabayaran nito sa RCBC na umaabot sa mahigit P500M.  Kahit sa kabila ng mga pananakot gamit ang mga security guards, pulis, military at bantang paggiba sa kanilang “kubol” na nagsisilbi nilang sentro ng mga gawain sa kampanya at iba pang aktibidad.

Ang military sa kabilang banda ay tigas-mukhang nanatili sa loob ng hasyenda Luisita sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga manggagawang bukid sa kanilang presensya.  Para hindi mahiwalay; sa araw ng desisyon ng Korte Suprema; naglabas na ito ng pahayag namananatili sa loob ng Hasyenda Luisita para “protektahan ang mga mamamayan nito laban sa mga nais magsamantala sa sitwasyon.

Hindi nanaginip ang mga manggagawang bukid na sa ilalim ng bangkarote at kurap na Comprehensive Agrarian Reform Program tuluyang maipapamahagi ang lupain ng Hasyenda Luisita. Ang kanilang dalawampu’t apat na taon karanasan nila sa batas na ito ang siyang buhay na karanasan nila na hindi ito magsisilbi sa kanilang interes kahit sa nirepake nitong anyo, ang CARPER na dinala ng mga makapanginoong maylupang grupo ng AKBAYAN.

Walang duda dadalhin ng CARPER ang tagumpay na inabot na pakikibaka ng mga manggagawang bukid sa pagkabigo at gagawin lamang gatasang baka ito ng mga tiwaling opisyal ng DAR.  Gagawing imposible ng CARPER na maipamahagi ang lupa dahil sa mga probisyon nito.  Una:  kikilanin ng mayaring lupa ang mga tenante nito.  Ikalawa; kailangang manumpa ng mga benepisyaryo sa korte; ikatlo: makakuha ang mga benepisyaryo ng sertipiko sa baranggay agrarian reform council.  Labas pa dito ang paghahabol ng mga Cojuangco-Aquino sa malaking halaga ng kompensasyon na kung sa batas ng CARPER ay sigurado nilang makukuha.

Hindi papaya mga manggagawang bukid na maagaw at biguin ng rehimeng Aquino at ng mga alipores nito ang bunga ng militanteng pakikibaka  ng mga manggagawang bukid.  Gayun din hindi utang ng mga manggagawang bukid kay CJ Corona o sa Korte Suprema ang kanilang inaning tagumpay.

Sa kasalukuyan nagsisimula nang mag-araro para taniman ng palay ang mga lupain na ginamit ng mga tauhan ng mga Cojuangco-Aquino na hindi lehitimong benepisyaryo para sa pagtutubo.  Ipinagpapatuloy din ang pagpapalawak ng sakop ng kampanyang bungkalan sa sampung baranggay ng Hasyenda Luisita.  Nagsisilbi ang ganitong mga gawain para sa pagpapatuloy ng konsolidasyon sa mga hanay ng mga manggagawang bukid para lalo silang mahimok na kumilos at suportahan ang kagyat na pamamahagi sa lupain ng Hasyenda Luisita.

Asahan natin na ang mga Cojuangco-Aquino ay gagawa at gagawa ng mga paraan mapigilan ang pamamahagi ng Hasyenda Luisita sa mga manggagawang bukid.  Mahaba ang laban at landas ng pakikibakang aming tatahakin ngunit sa patuloy niyong pagsuporta at sa sama-sama nating pagkilos ay tiyak malalagpasan naming ang mga darating mga pakana at maniobra ng mga Cojuangco-Aquino.

Tuloy ang laban para sa ganap na pamamahagi ng Hasyenda Luisita at Tunay na Reporma sa Lupa. Mabuhay ang uring Anakpawis!

 REPORMANG AGRARIO – SIGLA’T YAMAN SA KANAYUNAN

Bilang secretary-general ng Agrarian Reform Beneficiaries Association na kumakatawan sa humigit kumulang na apat na milyong magsasaka, fisherfolk, indigenous peoples, farm workers, small landowners at iba pang magsasakang nabiyayaan ng EP o Emancipation Patent via PD 27 at CLOA o Certificate of Land Ownership Award  via RA 6657, ako po ay nasiyahan nang ideklara ng Pangulo ng Pilipinas noong nakaraang buwan na makakamtan ng bukod pa sa mga magsasaka at farm workers ng Hacienda Luisita, ang pagbabahagi ng mas malawak pang lupa na kanilang dinilig ng sarili nilang pawis at luha.

Subalit hindi pa man lumilipas ang kabuuan ng isang buwan, napag-alaman namin noong Huebes na sinisimulan na ng administrasyong Aquino ang pabubuwag ng Department of Agrarian Reform sa pamamagitan ng malawakang pagsakal ng budget nito. Alinsunod dito nagbigay na rin ng pasubali ang kalihim ng agrario na humanda na ang mga empleyado nito na mawalan ng kani-kanilang mga trabajo.

Mga kakabayan, ang hiningi po lamang namin ay ang tapat at matuwid na implementasyon ng batas reporma sa lupa, suporta tungo sa isang masaganang ani at ang kaukulang alalay sa pagsasa-mercado ng mga produkto ng aming mga pagod at sakripisyo. Hindi paglulubid-lubid ng kasinungalingan. Katotohanan, hindi propaganda. Sinceridad, hindi pa-pogi points. Reality, hindi show-business.

Ipinaabot po namin sa Ginoong Pangulo na wala pong makahulugang programa maitataguyod niya ukol sa agri-fisheries production and food security kung walang partisipasyon ang agrarian reform beneficiaries. Huwag naman po sana niyang ituloy ang masamang patakaran at korap na halimbawa ni Ginang Gloria Arroyo sa pagtatalaga ng bilyon-bilyong pondo ng bayan under her Ginintuang Masaganang Ani sa pamamagitan ng mga multong NGO at pekeng fundasyon.

Ang mga miembro po ng ARBA ay may actual na karanasan at sapat training o pagsasanay sa larangan ng pagsasaka, pangingisda at pagaalaga ng farm animals. Inorganisa ang ARBA ng batas hindi lamang sa pagsasanay sa effective farm techniques para magbunga ng mas masustansyang pagkain sa mesa ng bawat pamilyang Filipino, kundi para sa pagpalaganap ng hanapbuhay at yaman sa kanayunan at pag-supil ng kahirapan at kagutuman sa ating bayan, hindi lamang sa para pangkasalukuyan kundi lalo na sa darating pang mga henerasyon.

Mga kababayan, tayo po ay nangutang sa ibang bansa ng daan-daang milyong dolyares para ipamudmod lang bilang Conditional Cash Transfer sa mga urban poor. Mawalang galang na nga po, pero ang dole-out program na ito ay isang

dambuhalang kahangalan ganoong namuti na ang mga mata ng milyon-milyong agrarian reform beneficiaries sa pagmamaka-awa na mabigyan sila ng recognition at suporta sa loob ng halos dalawamput limang (25) taon.

Simpleng tanong – bakit minamabuti pa ng mga nagpapautang sa atin na mapunta ang pondo ng consumption at hindi produksyon? Simpleng sagot – para lalo tayong makulong sa kahirapan! Matagal na nating alam na ang naghaharing interes sa ating lipunan ay taliwas sa interes ng nakakaraming Pilipino. Ang atensyon ng mga oligarko ay nasa market consumption, at ito ay nangangahulugang “pag-konsumo” ng mga bilihin na inangkat ng mga naghaharing uri at hindi galing sa local production.

Ang masakit po rito ay alam naman natin na sitenta por ciento (70%) ng ating populasyon ay dependent sa ekonomia ng kanayunan para sa kanilang kabuhayan. Walang hihigit pa sa lakas ng agrikultura, fisheries at livestock, na maglikha ng samut-saring hanapbuhay para sa mas nakakaraming Pilipino.

Ang prueba nito ay nasa karamihan ng remittances ng ating mga Overseas Filipino Workers na sa probinsya napupunta. Kaya maski saan kayo pumunta ngayon, makikita ninyo ang ebidensya ng mabilis at malaking kaunlaran sa kanayunan. Wala kinalaman ang ating gobierno rito. Noong panahon ni Ginang Arroyo talamak ang pandarambong ng pondong pangkanayunan. Ngayon naman ang atensyon ni Ginoong Aquino ay iligaw ang grasya patungo sa kalungsuran.

Dahil po rito, hindi lamang makahulugang reporma at ekstensyon ng Carper    Law ang wasto, kundi isang masusi at epektibong batas na sa wakas ay magpaparating ng mga financial at logistical resources na kailangan ng ating mga magsasaka at mangingisda all over the country.

Nasa Agricultural and Fisheries Modernization Act ng dating Pangulong Joseph Estrada na po ang lahat ng programang kailangan upang palusugin ang ating kanayunan. Political will na lang po ang kulang.

Sa katapusan, ating napag-alaman sa pamamagitan ng sintido-common, madaling pausbungin ang yaman sa kanayunan upang ang Pilipinas ay magkaroon ng food security at prosperidad na malawakan na tatagos sa lahat sa lipunan. Ito ang simpleng hamon ng mga agrarian reform beneficiaries sa ating pamahalaan.

****************************************************************************************************************************

ANG ESTADO NG KALIKASAN SA PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI PANGULONG PINOY

Ms. Feny Cosico (Kalikasan People’s Network for the Environment)

Sa dalawang taong panunungkulan ni Pnoy, wala itong maituturing na pangkalikasang plataporma kundi ang kanyang “matuwid na daan” – isang hungkag na pangako bagaman paulit-ulit niyang binibitiwan. Sa kanyang panahon ay mas higit pa niyang ipinatupad ang bangis ng polisiyang globalisasyon sa pagbubukas  sa bansa sa mga banyagang pamumuhunan sa stratehikong industriya  tulad ng pagmimina, enerhiya at agrikultura na nakabalangkas sa Public-Private Partnership o PPP para sa lubusang pagsasapribado, pagliliberalisa at pagdederegularisa ng mga mahahalang industriya ng bansa.

Sa industriya ng pagmimina, higit na pinalakpakan ng mga malalaking korporasyon ang inilabas na Executive Order 79 na pumapabor sa walang humpay na pandarambong ng ating likas-yaman habang pinapahina niya ang karapatan ng lokal na pamahalaan na makapagdesisyon ng naayon sa kapakinabangang ng kanyang mamamayan. Habang lumalapad ang nasasakop na lugar ng pagmimina ay siya namang pagliit ng kontribusyon nito sa ating ekonomiya, 0.9% lamang sa Gross Domestic Product at 0.6% naman para sa empleyo. Ngunit napakalaki ng naging kapalit nito sa ating kalikasan. Ang pagkasira ng fish sanctuaries at coastal ecosystems dahil sa pagkatas sa lupa ng mga kemikal na produkto  ng pagmimina ng Taganito Mining Corporation sa Surigao del Norte; ang pagpapaalis sa mga lehitimong small scale miners sa Compostela Valley para magbigay daan sa US mining company na Russell Mines & Minerals Inc. – St. Augustine Gold Copper; ang Togupon River ng Rio Tuba Palawan ay napatunayang  may mataas na level ng hexavalent chromium mula sa mine tailings na tumapon sa ilog dahil sa operasyon ng Coral Bay Nickel Corporation na partner ng Sumitomo, isang Japanene company; ang pagkamatay ng tone-toneladang isda sa Lake Bito, Macarthur, Leyte dahil sa black sand mining ng Nicua Mining Corporation na lubos na nakaapekto sa industriya ng pangisdaan sa naturang lugar.

Naging tampok din na problema ang Mindanao power crisis na nagresulta sa araw-araw na pagkawala ng kuryente sa mga komunidad. Naglunsad si Pnoy ng isang Mindanao Energy Summit upang bumuo diumano ng kaisahan ng mga mamamayan sa paglutas ng problemang ito, ngunit sa dulo ay diniin pa rin ang pribatisasyon ng mga industriya ng enerhiya sa bandera ng Electric Industry Reform Act at mga proyektong PPP bilang panlutas sa krisis. Ang pinakamaduming industriya ng enerhiya, ang coal fired plant na pinapakete bilang clean coal technology ay agresibong itinatayo sa mga malalapit sa mga komunidad. Ang coal-fired plant ay isa sa mga nagbubuga ng CO2 na nagiging dahilan ng global warming. Sa ngayon ay tinatayang may karagdagang 11,100,000 tonelada ng carbon dioxide, 30,000 tonelada ng sulfur dioxide, 2,160 tonelada ng carbon monoxide, at marami pang ibang nakakalasong kemikal at heavy metals ang dagdag na binubuga sa atmospera ng Pilipinas kada taon. Dagdag pa dito ang pagsasapribado ng natitira pang mga imprastrakturang pagaari ng pamahalaan, ang Angat Dam sa Luzon at mga hydro power plant sa Mindanao. Sa pangako ng pagpapababa ng singil sa kuryente kung maisasapribado ang industriya ng enerhiya, hindi ito natupad. Bagkus hindi maampat ang pagtaas nito. Ang Pilipinas sa kasalukuyan ang may pinakamataas na singil sa boung Asya. Marami ring mga produktibong sakahan ang na-coconvert sa malawak na plantasyon ng biofuel crops na pumapalit sa mga sakahan partikular sa mga lupang tinataniman ng palay gaya ng 11,000 ektaryang tinaniman ng tubo sa San Mariano, Isabela. Ito ay maituturing na matinding problema ng land grabbing.

Dahil sa laganap at malawakang pagkasira ng kalikasan at pagkawala ng tirahan at kabuhayan ng mga mamamayan, mas higit dapat na ipanawagan at itulak ang mga makabayan at maka-mamamayang mga polisiya. Panahon na upang ang mga batas tulad ng People’s Mining Bill, Genuine Agrarian Reform Bill, Rice Industry Development Act ang mga pairaling batas na magbibigay ng karampatang proteksyon sa ating kalikasan. Kalikasan para sa mamamayan.

************************************************************************************************************************

Kahirapan, Utang na Imoral at ang Hamon sa Simbahang para sa Mahirap

(Click the link above to download the speech)

Mr. Nestor "Nitoy" Torrefranca, Institute of Religious Education & Philosophy, San Sebastian College

************************************************************************************************************************

Sum-up and Legislative Agenda            

Mr. Agoy Descallar, Buhay Party List

Matapos po nating marinig ang ulat ng mga kinatawan ng iba’t ibang sector ng ating lipuinan lalo’t higit ang mula sa maralitang bahagdan, ngayon ay kinakailangan nating limiin at pag-isipan nag kabuuang larawan at kalagayan ng buong bayan.

Gusto ko pong pansinin ninyo na ang kumon na sinasabi ng ating mga kinatawan ay pawing mga hinaing at hinagpis dulot ng kanilang mga karanasan at nagpapatuloy na pagkasadlak sa karahasan ng kahirapan at pagdarahop.  Wala po tayong narinig na magandang ulat sa bayan, puro karahasan ng gutom, kahirapan, pampulitikang pagpaslang at patuloy na panggagahasa sa ating inang kalikasan.

Isang larawan ng kamatayan o naghihingalong kaluluwa ng ating bayan.

Una, bigyan pansin po natin ang usapin ng korupsyon na tumatagos sa lahat ng sektor ng ating lipunan mula sa pamahalaan hanggang sa mga lansangan ng ating bayan.

 

Nasaan ang pangakong   “Tuwid na Daan”?  Ano ang nangyari sa “Daang Matuwid”?

Saan nga ba patungo ang daang tinatahak natin sa kasalukuyan?  Sa Kaharian ng ng Diyos? O sa kaharian ng mga diyos-diyusan na ilang dekada nang namamayani sa ating Inang Bayan?

Ang larawan ng katiwalian ay hindi lamang sa pamamagitan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, masasabi rin nating isang anyo ng korupsyon ang hindi pagpaptupad ng mga batas tulad ng repromang agraryo.  Ilan dekada na ang pakikipaglaban ng ating mga magsasaka para magkaroon ng sariling lupang sakahan subalit hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin, at sana’y huwag tuluyang mawalan ng pag-asa.

Korupsyon ding maituturing ang pagbebenta sa mga pribadong korporasyon o pribatisasyon ng mga batayang serbisyong panlipunan.

Dati-rati, ang mga serbisyong panlipunang ito ay isang batayang tungkulin at responsibilidad ng gobyerno subalit sa ilalim ng patakaran at programang pribatisasyon, ang mga serbisyong ito ngayo’y  pinagkakakitaan na ng mga pribadong korporasyon.

Kung kaya ang mga kapatid nating maralita ay lalong nasasadlak sa kumunoy ng kahirapan.  Bawal na ang magkasakit dahil   kapag na-ospital ka, lalong mapapadalli ang iyong kamatayan.

Korupsyon ding maituturing ang Liberalisasyon ng mga estratehikong industriya, mga industriyang na dapat sana’y para sa kapakinabangan ng mga mamamayan at pinagkakakitaan ng bayan na may tamang pangangalaga sa kalikasan at sa mga darating pang henerasyon ng tao.

Saksi tayo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente, tubig, langis at iba pang pangangailangan dahil sa ngalan ng sobrang tubo ng mga dambuhalang kompanya.  Hindi naman masamang tumubo sa negosyo pero immoral na ang walang batayang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Hindi ba korapsyon ang ibenta ang kinabukasan ng ating bayan dulot ng Liberalisasyon?   Unti-unti nang nauubos ang ating mga likas-yaman na pawang mga dayuhang korporasyon lamang ang nakikinabang, subalit ano ang nagiging tugon ng ating pamahalaan?  Walang iba kundi mas ipinaibayong pagbebenta ng mga korporasyon at pag-aari ng gobyerno’t bayan.

Ang kawalan ng malinaw at kongkretong direksyon ng ating pamahalaan ay isang masahol na korupsyon.  Korupsyon ito dahil ninanakaw ang kinabukasan ng ating bayan at ng mga susunod pang henerasyong Pilipino.

Sa ganitong pagtingin, ang mga sumusunod ang inihahain naming Legislative Agenda para sa kasalukuyang Kongreso ng Republika ng Pilipinas:

  1.  Isabatas ang mga sumusunod na panukalang batas:
    1. People’s Mining Act
    2. Rice Industry Development Act at Agricultural Modernization Act
    3. National Land Use Act
    4. Freedom of Information Act
    5. Magna Carta of Barangay Health Workers
    6. Rights of the Unborn
  2. Pagpapawalang-bisa ng Automatic Appropriation for Debt Servicing o Section 26 (B) ng Revised Administrative Code.
  3. Pagbabalangkas ng mga patakaran o polisiya para sa pagpapalakas sa sector ng manupakturang industriya.
  4. Isantabi o ibasura ang mga panukalang batas na walang malinaw na kabutihang idudulot sa mga mamamayan at bayan, bagkus magdadala pa paghina at pagkawasak ng mga institusyong Pilipino, gaya ng pamilya.

Ilan lamang ito sa mga naisin ng sambayanan na nauugat na rin sa mga karanasan ng bawat sector ng ating lipunan. Nawa’y bigyang pansin ng ating pamahalaan ang mga naiising ito at bigyang pansin at diin sa mga nalalabi pang araw ng kasalukuyang Kongreso.

Higit sa lahat, nais nating tawagan ng pansin ang ating Pangulo – tupdin mo ang iyong mga pangako sa panahong ikaw ay nanunuyo pa lamang. Tupdin mo rin ang mga binitawan mong mga pananalita hinggil sa pagpapanibago ng ating pamahalaan at lipunan.  Huwag mong hayaan na maging “weng weng” lamang ang lahat at maging “bossabos” ang iyong tinatawag na boss. Bigyan mo ng linaw at diin ang “tuwid na daan”.  Kumited ka sa “tuwid na daan”. Sana hindi ito mauwi sa “kumitid na daan”.

Sa atin pong lahat, maramimg salamat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Pagpalain nawa tayo ng Panginoong Diyos.

Share via email
Leave A Comment